Ilang artista, nagpahayag ng pagkadismaya sa halalan

Dismayado ang ilang mga showbiz celebrities sa naging resulta ng bilangan ng mga senatorials sa katatapos lang na automated midterm election.

Ayon sa aktor na si Adrian Alandy – na sobrang nainis siya dahil namamayagpag sa canvassing ang mga senador na nadadawit sa korapsyon.

Naglabas din nang kanyang hinaing ang aktor na si Felix Roco na anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco – na sinungaling ang nagmamalasakit sa bansa dahil binoto pa nila ang mga kandidatong nasasakot umano’y katiwalian.


Kinalulungkot naman ni Kristoffer Martin at ang aktres na si Janine Gutierrez ang resulta ng bilangan sa national positions at aniya, ang hangaring pag-unlad ay dapat magsimula sa tamang kandidatong iboboto.

Facebook Comments