Ilang artista, vlogger, naghain din ng COC para sa May 2025 elections

Naghain din ng certificate of candidacy ang ilang celebrities para sa May 2025 elections.

Sa Quezon City, tatakbo ulit na konsehal sa ikalimang distrito ng lungsod si Alfred Vargas habang susubok din sa kaparehong distrito ang kapwa niya aktor na si Enzo Pineda.

Muli ring tatakbo bilang representative ng 1st district ng lungsod ang award-winning actor na si Arjo Atayde.


Nagpakita ng suporta sa kanya sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto na naghain din kahapon ng COC bilang reelectionist.

Sa Maynila, naghain ng kanyang kandidatura bilang konsehal ng unang distrito ang entrepreneur at content creator na si Rosmar Tan.

Sa Makati, magsisilbing running mate ng mayoral aspirant na si Senator Nancy Binay ang aktor at dating kongresista na si Monsour del Rosario.

Tatakbo rin ulit bilang mga kongresista ng Cavite ang mag-inang sina Lani Mercado at Jolo Revilla.

Kakandidato namang kinatawan ng 4th district ng Camarines Sur ang first-timer na si Marco Gumabao.

Habang tatakbong konsehal sa Concepcion, Tarlac ang “It’s Showtime” host na si Ion Perez.

Facebook Comments