Ilang ASEAN delegates, nasa bansa na para sa 31st ASEAN summit

Pampanga – Lumapag sa Clark International Airport ang eroplano ng Kingdom of Cambodia Airlines na sinakyan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen bandang alas dose ng tanghali.

Sinalubong si President Hun Sen ni dating pangulo at ngayon aay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ang nasabing lider ang kauna-unahang head of state na dumating sa mga dadalo sa 31st ASEAN summit na gaganapin sa bansa.


At kaninang alas dos naman ng hapon ay dumating na rin si Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi.

Siya ay sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Bukas (November 12) at sa Lunes ang pagdating ng mga iba pang mga heads of state na dadalo sa ASEAN summit.

Kaugnay niyan, inaasahang isasara ang ilang lansangan sa Pampanga, SCTEX, NLEX at kahabaan ng EDSA para pagdaan ng convoy ni ginoong Hun Sen.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, labing walong heads of state bukod pa sa kinatawan ng United Nations at European Union ang kumpirmadong dadalo sa ASEAN summit.

Facebook Comments