Ilang lugar sa Ilocos Region na nasa ilalim ng red zone dahil sa African Swine Fever o ASF ang posibleng ilipat sa yellow zone matapos ang apat na buwang walang naitalang bagong kaso.
Ayon sa protocol, kailangang dumaan sa testing ang mga baboy sa mga apektadong lugar. Kapag negatibo ang resulta, kailangang isumite ng lokal na pamahalaan ang kumpletong dokumento mula barangay hanggang regional level, at sa huli, sa Bureau of Animal Industry para sa opisyal na pag-apruba ng zoning status.
Sa kasalukuyan, may 18 lugar pa rin sa Ilocos Sur, walo sa La Union, pito sa Ilocos Norte, at dalawa sa Pangasinan ang nasa red zone.
Nasa higit ₱3.8 milyon na tulong pinansyal ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa mga apektadong hog raisers sa La Union. Inaasahang susunod na makatatanggap ang mga magbababoy mula Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Pangasinan.
Patuloy ang pagpapatupad ng biosecurity measures kahit sa mga nasa yellow zones at may ilang lugar na nagsimula nang magbenta ng pork products.
Pinapayuhan ang mga hog raisers na ibenta na ang mga baboy na nasa tamang laki, lalo na ngayong tag-ulan na mataas ang panganib ng ASF. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments