ILANG ASO SA DAGUPAN CITY NAMAMATAY DAHIL SA HEAT STROKE

Hindi lang tao ang apektado during summer season kundi pati na rin ang mga alagang hayop partikular na ang mga alagang aso.
Ayon sa City Veterinary office sa pamumuno ni Dr. Michael Maramba, kada araw ay nakakapagtala ang kanilang tanggapan ng tatlo hanggang limang aso na namamatay dahil sa heat stroke.
Dagdag nito, laganap din ang sakit ng mga aso tuwing dry season, ilan sa mga sakit na maaari nilang makuha ay parasite at skin diseases.

Samantala, suhestyon ng ahensya sa mga pet owner na paliguan ang mga alagang aso dalawang beses sa isang araw at ilagay sila sa lilim na lugar. | ifmnews
Facebook Comments