Ilang atleta, dismayado na sa mabagal na desisyon ng organizer hinggil sa posibleng pagpapaliban sa 2020 Tokyo Olympics

Dismayado na ang ilang atletang kalahok sa 2020 Tokyo Olympics dahil sa mabagal na paglalabas ng desisyon ng International Olympic Committee (IOC) hinggil sa posibleng pagpapaliban sa torneo.

Nabatid na sa kabila ng isinagawang pulong, bigo pa ring makapagdesisyon ang organizer kung itutuloy ang torneo sa Hulyo.

Kabilang sa bumatikos si British Heptathlon World Champion Katerina Johnson-Thompson na bumalik na UK matapos ang pagsasanay sa France.


Doble naman daw ang pressure ngayon ni British Middle-Distance Runner Jess Judd habang tinawag na insensitive at iresponsable ni four-time Olympic Gold Medalist Hayley Wickenheiser ang IOC dahil sa hindi pagdedesisyon ng maaga.

Maging ang mga bumili ng ticket para sa Olympics, nag-aabang din sa magiging plano ng IOC.

Facebook Comments