Friday, March 20, 2026

ILANG BABAE HULI SA ILEGAL NA PAGSUSUGAL SA LA UNION

Naaresto at nabigyan ng citation ticket ang ilang indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon laban sa ilegal na sugal sa lalawigan ng La Union noong March 19, 2026.

Sa bayan ng Balaoan, tatlong kababaihan na may edad 23, 32, at 44 ang nahuli ng mga tauhan ng pulisya habang aktwal na naglalaro ng “Tong-its.” Nakumpiska mula sa kanila ang isang set ng baraha at halagang Php370.00 na pusta. Sila ay agad na binigyan ng citation ticket dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 86 s. 2017, sa presensya ng isang barangay kagawad.

Samantala, sa San Fernando, tatlong magkakahiwalay na insidente rin ang naitala sa parehong araw.

Unang nahuli ang tatlong kababaihan na may edad 65, 61, at 21 habang naglalaro rin ng “Tong-its.” Narekober sa kanila ang baraha at Php230.00 na pusta. Sila ay nilapitan ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at binigyan ng citation ticket dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 3 Series of 1970.

Tatlo pang kababaihan na may edad 49, 72, at 69 ang naaresto rin sa kaparehong lungsod matapos maaktuhang nagsusugal. Nasamsam mula sa kanila ang isang set ng baraha at Php180.00 na pusta. Tulad ng naunang grupo, sila rin ay binigyan ng citation ticket at kalaunan ay pinalaya matapos ang dokumentasyon.

Ayon sa pulisya, ang mga operasyong ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagsusugal sa lalawigan. Patuloy nilang pinaaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga umiiral na ordinansa upang maiwasan ang kaparusahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments