Thursday, January 15, 2026

Ilang bagong opisyal ng DPWH, nanumpa na kay Sec. Dizon

Pormal nang nanumpa ang mga bagong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinangunahan ni Secretary Vince Dizon ang panunumpa ng limang (5) bagong undersecretary na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito’y sina Arrey Perez bilang Undersecretary for Operations in charge of Convergence Projects and Technical Services, Arthur Bisnar bilang Undersecretary for Regional Operations, at Charles Calima Jr. bilang Undersecretary for Special Concerns.

Kasama ring nanumpa sina Ricardo Bernabe III bilang Undersecretary ng Office of the Secretary at Samuel Rufino Turgano bilang Undersecretary for Legal Services.

Matatandaan na ang lima ang siyang papalit o inilagay sa puwesto ng ilang opisyal na una nang nagpasa ng kani-kanilang courtesy resignation.

Ang hakbang na ito ng DPWH ay bilang bahagi ng programa na linisin ang hanay ng ahensiya upang maging transparent at tuluyang masugpo ang korupsiyon.

Facebook Comments