Ilang Bagong Pasilidad ng PRO2, Pinasinayaan

15

Cauayan City, Isabela- Pormal nang binuksan ang iba’t ibang pasilidad ng Police Regional Office No. 2 kasabay ng pagdedeklarang ‘Drug-Cleared Province, Municipalities at Barangays sa buong Lambak ng Cagayan ngayong araw.

Pinanguhan ito ni PDEA Director General Wilkins Villanueva at PRO2 Director PBGen. Angelito Casimiro sa ginawang unveiling marker ng PRO2 Maringal Park; Maringal Pavilion, maringal Cenetr for Excellence at ang bagong Gym Equipment na donasyon para sa PRO2 Wellness Center.


Maliban dito, pumirma rin ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PDEA at PRO2 na nagtatakda sa gagawing konstruksiyon ng bagong pasilidad sa loob ng PRO2.

Samantala, idineklara na ang Probinsya ng Quirino bilang Drug Cleared Province habang 6 na bayan sa Isabela, 1 sa Cagayan at 92 barangay sa buong Lambak ng Cagayan.

Patuloy pa rin ang mga operatiba sa pagsugpo sa kampanya kontra sa iligal na droga.

Facebook Comments