Ilang Bahagai ng Cauayan City, Mawawalan ng Ilaw

22

Cauayan City, Isabela – Mawawalan ng ilaw ang ilang bahagi ng Cauayan City ngayong araw, Disyembre 6, 2017.

Sa paabiso ng Isabela Electric Cooperative 1 Incorporated sa pamamagitan ng sulat na ipinaabot sa RMN Affiliate station DWDY ay maapektuhan ng power interruption ang mga lugar ng barangay Turayong at ang magkakadikit na mga barangay ng District 1, 2 at 3.

Ang rason ng power interruption ay ang pagpapalit ng mga sirang poste na matatagpuan sa Canciller Avenue at ang pagpapakuryente sa bagong gawang linya sa Cabaruan, Cauayan City.

Ang pagkakawala ng supply ng kuryente ay mula alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Magpagayunpaman ay nagpaabiso ang ISELCO 1 na puedeng mabalik ang supply ng kuryente ng mas maaga kaysa sa itinakdang schedule nito.

Facebook Comments