Ilang bahagi ng Abra at Cagayan, wala nang kuryente dahil sa Bagyong Nando

Wala nang suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Abra at Cagayan dahil sa pananalasa ng Bagyong Nando.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), bandang 11:39 AM nang naputol ang suplay ng kuryente matapos na masira ang transmission lines ng San Esteban-Bangued 69kV Line kung saan apektado nito ang siniserbisyuhan ng Abra Electric Cooperstive (ABRECO).

Gayundin ang Lallo-Sta. Ana 69kV Line at apektado na ang siniserbisyuhan ng CAGELCO II.

Tiniyak ng NGCP na agad magsasagawa ng inspection at restoration activities ang mga line crew sa sandaling gumanda na ang panahon.

Facebook Comments