Manila, Philippines – Ilang bahagi ng Caloocan at Quezon City ang makararanas ng panandaliang water interruption ngayong Linggo dahil sa maintenance activity na gagawin ng Maynilad.
Simula mamayang alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw sa QC, mawawalan ng tubig ang Barangay Kaligayahan, Barangay Talayan, ilang bahagi ng Baragay Sto. Domingo at Siena at Barangay Sauyo.
Bukas, (September 12) mula alas 11 ng gabi hanggang alas 3 ng madaling araw ng September 13 apektado ang Barangay 178, Barangay 167 at 168, Caloocan City.
Sa Miyerkules (September 13), mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw ng Huwebes apektado ang Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Habang sa Huwebes, (September 14), mula alas 11:30 hanggang 3:30 am ng Biyernes apektado naman ang Barangay 177, Caloocan.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak na ng tubig dahil maaaring ma-delay ang pagpapanumbalik ng supply ng tubig depende sa layo ng bahay mula sa pinakamalapit na pumping station.