Magpatutupad ng power interruption ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa ilang bahagi ng Cebu Province simula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1, 2024.
Ayon sa NGCP, mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Cebu Province simula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 1, 2024. Kabilang na rito ang Cebu Electric Cooperative (CEBECO) 1 simula Nobyembre 1 dahil sa pagsasaayos ng Samboan Substation na makaaapekto sa 69 kilometers volt line ng Samboan-Ginatilan Feeder.
Base sa abiso ng NGCP, ang ipatutupad na power interruption ay dahil sa isasagawang maintenance activities kung saan kabilang sa maaapektuhan ang CEBECO 1 at 3.
Paliwanag pa ng NGCP na maghapon din na walang suplay ng kuryente sa Disyembre 1 sa ilang siniserbisyuhan ng CEBECO 3 dahil magpapalit ng mga poste ng kuryente, line insulators, at line hardwares sa kahabaan ng Calong Calong -Asturias 69 Kilowatts Volt line.
Inaabisuhan ng NGCP ang mga residente na maaapektuhan ng power interruption na paghandaan agad ang naturang mga petsa at gumawa ng mga kaukulang hakbang bago mawalan ng suplay ng kuryente.