ILANG BAHAGI NG DAGUPAN CITY, APEKTADO PA RIN SA WALANG TIGIL NA BUHOS NG ULAN

Sa patuloy pa rin at walang tigil na buhos ng ulan ng ilang araw ay makulimlim pa rin at basa ang kakalsadahan ngayon sa Dagupan City.
Kamakailan nang maranasan ang mataas na lebel ng tubig sa kailugan kung saan nag lutangan rin ang mga basura at nagkalat sa mga pangpang ng mga Island Barangays tulad na lamang sa Barangay Pantal at Barangay Calmay.
Takaw disgrasya rin umano ang madulas na pangpang sa Barangay Calmay kung saan sumasakay ang mga pasahero dahil lalo raw kasing nadagdagan ang lumot sa semento na kanilang dinadaanan dulot ng walang tigil na pag-uulan.

Nangangamba rin ang mga magulang sa mga sakit na maaaring makuha sa patuloy na pag uulan lalo na para sa kanilang anak.
Ang mga residente sa ilang low lying areas ng lungsod, todo limas sa mga tubig na naiipon sa kanilang mga tahanan dahil maaari umanong pamugaran ng lamok at mangitlog at maging sanhi pa ng sakit na dengue.
Hindi rin maiiwasan ang banta ng leptospirosis lalo na sa mga bahagi ng lungsod na madaling bahain kahit paunti-unti lamang ang pag-ulan, kaya ang mga residente ay balik sa pagsusuot ng bota.
Sa ngayon ay patuloy pa rin na nakaantabay at nakamonitor ang CDRRMO ng lungsod ng Dagupan para rumesponde sa kahit ano mang maaaring idulot ng walang tigil na pag-uulan sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments