Kaunti na lang ang bubunuin para sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng tobacco tax hike bill kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte dito.
Ito ang sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino ngayong batas na ang tobacco bill na layong itaas ang excise tax sa mga produktong tabako kasama ang heated tobacco products at e-cigarette.
Ayon kay Lambino, malinaw na ang ibang parte ng batas habang ang ibang nakasaad sa probisyon ay executory na kung tutuusin.
Ayon kay Lambino nasa Department of Health (DOH) na ngayon ang responsibilidad para buuin ang ilang bahagi ng irr hinggil sa inaprubahang House Bill no. 8677 at Senate Bill No. 2233.
Kaya pagdating ng January 2020, ang dating 35 pisong buwis sa sigarilyo ay madadagdagan ng sampung piso.
Habang limang pisong increase naman ang ipapataw pagtuntong ng 2021 hanggang 2023 at mula 2023 ay otomatiko nang magkakaroon ng 5 percent increase sa presyo ng mga tobacco products.