Isabela, Philippines – Nakaranas ng brownout ang ilang bahagi ng Isabela matapos maapektuhan ng mainit na temperatura ang mga pasilidad sa mga sub-station ng National Grid Corporation of the Philippines.
Una rito, bumigay kahapon ang gamu sub-station ng NGCP dahil sa high temperature sa loob at labas ng kanilang mga kagamitan na siyang dahilan kung bakit nawalan ng suplay ng kuryente ng tatlong oras ang maraming lugar sa Isabela.
Ngayong araw ay muling hiniling ng NGCP sa ISELCO 2 na magsagawa ng manual load dropping o pagbabawas ng kuryente para maprotektahan ang kanilang kagamitan at hindi na lumawak pa ang brownout.
Sabi naman ni Engineer Joseph Palattao, chief ng engineering division ng technical services ng ISELCO 2 – kailangan ang manual load dropping sa naguillian sub-station para hindi na lumawak pa ang epekto ng mainit na lagay ng panahon.