ILANG BAHAGI NG LA UNION, NAKIISA SA EARTH HOUR 2025

Nakiisa sa ginanap na Earth Hour ngayong taon ang ilang bayan at central business district sa La Union noong Sabado mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Layunin ng aktibidad na makiisa sa buong mundo sa paglalaan ng isang oras na pagpatay ng ilaw at non-essential power usage bilang pangangalaga sa kalikasan.

Kasabay ng aktibidad ang World Water Day bilang paalala sa pagtitipid sa malinis na maiinom na tubig para sa katatagan ng suplay nito sa buong mundo.

Sa isang black light performance, hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang publiko sa energy at environment conservation para sa mga susunod na henerasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments