Ilang bahagi ng Leyte, makakaranas ng power interruption bukas

Manila, Philippines – Base sa abiso na inilabas ng National Grid Corporation of the Philippines, pag patak ng alas-siyete ng umaga bukas (Oct 4) magsasagawa ng maintance activity sa Baybay at San Agustin LEYECO IV, na tatagal ng 45 minuto.

Sa Hilongos naman, magsisimula nang alas-4 hanggang alas-5 ng hapon.

Sa LEYECO V naman, Simangan at Talisayan, tatagal ng 30 minuto na maguumpisa alas 7 ng umaga, para sa relocation ng structure sa Ormoc – Baybay line.


Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na makipagugnayan sa Local Distribution Utility para malaman kung kabilang ang kanilang lugar sa mga maaapektuhan ng panandaliang power supply interruption.

Facebook Comments