Ilang bahagi ng Luzon at kabisayaan, uulanin sa susunod na 24 oras ayon sa PAGASA

Magiging maulan ang ilang bahagi ng luzon at kabisayaan sa loob ng 24 oras dulot ng Low Pressure Area (LPA) at ng Habagat.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maapektuhan ng pag-ulan ang Palawan, Mindoro provinces, Quezon province, Bicol region, Samar, Northern Samar at Eastern Samar.

Nagbabala ang PAGASA sa malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.


Ang LPA naman na binabantayan sa Legazpi City sa Albay ay maliit ang tsansa na maging bagyo sa nakalipas na dalawang araw.

Facebook Comments