Ilang bahagi ng Luzon, uulanin dahil sa shearline at Amihan

Magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon ngayong araw ang shearline at Northeast Monsoon o Hanging Amihan.

Kabilang sa uulanin ay ang Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Northern Quezon at Cordillera Administrative Region.

Easterlies at localized thunderstorm naman ang magdadala ng isolated rain showers sa Bicol Region, Palawan, Visayas at Mindanao.


Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang isolated light rains ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon bunsod ng Amihan.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:17 at lulubog mamayang alas-5:33 ng hapon.

Facebook Comments