Ilang bahagi ng Makati, Pasay at Baclaran, binalikan at nilinis muli ng MMDA

82

Sinuyod ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Evangelista Street, Barangay Bangkal, Makati.

Magkabilang side ng Evangelista Street ang binalikan at nilinis ng sidewalk clearing operation ng Task Force Special Operation ng MMDA.


Kanina, nakipagtalo pa ang mga opisyal ng Barangay sa mga tauhan ng MMDA dahil wala daw abiso sa kanilang ang nasabing operasyon.

Ipinaliwanag ni Colonel Roxas Memel ng MMDA Team Bravo, na nakipag-coordinate sila sa Makati Action Center bago nila isinagawa ang side walk clearing sa Evangelista.

Kalaunan ay nanaig pa rin ang MMDA at tinikitan lahat ng mga sasakyan na iligal na nakaparada sa Evangelista.

Sunod na sinuyod ng MMDA ang Arnaiz Avenue o Pasay Road at ilang tricycle ang binatak at ilang motor rider din ang natikitan.



Hindi rin pinalampas ng MMDA ang Taft Avenue at pinakiusapan ni Colonel Memel ang mga sidewalk vendor na itabi ang kanilang paninda ng hindi naman sagabal sa daloy ng sasakyan.
Huling pinasadahan ng MMDA ay ang Baclaran area na punong puno pa rin ng illegal vendors.


Facebook Comments