Ilang bahagi ng Maynila at Laguna, mawawalan ng kuryente ngayong araw

Manila, Philippines – Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Maynila ngayong araw.

Sa abiso ng MERALCO, sa pagitan ng alas-otso y medya ng umaga hanggang alas dos y medya ng hapon mawawalan ng kuryente sa bahagi ng Estrada St. mula Tenorio hanggang Liwayway, Arellano, Iridium, Oro B at Zobel Roxas Sts. sa San Andres Bukid, Manila.

Kinakailagan kasing magpalit ng lumang poste ng meralco sa kahabaan ng Pasig line St., San Andres Bukid.


Samantala, magba-brownout din mamayang gabi hanggang bukas ng madaling araw sa San Pedro Laguna.

Partikular sa Biñan National Highway (Manila South Road) mula Maharlika St. sa Bgy. San Antonio, San Pedro, Laguna sa pagitan ng alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Ang power interruption ay bunsod ng relokasyon ng facilities ng DPWH dahil sa isinasagawang road widening project sa kahabaan ng San Pedro Laguna.

Facebook Comments