Ilang bahagi ng Metro Manila, 3 araw mawawalan ng tubig

Pinagbigyan ng Maynilad ang kahilingan ng karamihan para makapaghanda ang publiko sa pagkawala ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila mula October 25 hanggang October 28, sa halip iniatras ang water interruption sa October 29 Biyernes hanggang November 1, Lunes.

Ang pagkawala ng tubig ay dulot ng gagawing pipe realignment sa kahabaan ng Sobriedad, Manila para sa flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang mga apektadong lugar ay makakaranas ng 25 hanggang 85 oras na walang tubig sa Las Piñas, Makati, Maynila, Parañaque, Pasay, Bacoor gayundin sa Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite mula alas-11 ng umaga ng Oktobre 29 Biyernes hanggang November 1 Lunes ng alas-11:59 ng gabi.


Ayon sa Maynilad na sa panahon na walang tubig sa naturang lugar, maglalagay ang kompanya ng 14 na stationary water tank at 60 mobile tanker para sa mga apektadong residente.

Facebook Comments