Mawawalan ng kuryente ang ilang lugar na sinu-suplayan ng Meralco sa bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan sa susunod na mga araw.
Ito’y dahil sa pagsasaayos ng pasilidad ng meralco.
Epektibo ito simula sa martes, April 23 hanggang linggo, april 28.
Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang ilang bahagi ng Maynila, Makati, Las Piñas, Parañaque, Taguig, Pasig, San Juan, Valenzuela, Caloocan at Quezon City.
Apektado rin ng power interruption ang ilang bahagi ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.
Facebook Comments