Ilang bahagi ng Metro Manila, mawawalan ng tubig dahil sa gagawing paglilinis sa treatment plants ng Maynilad

Naglabas ng anunsyo ngayon ang Maynilad na magkakaroon ng rotational water service interruptions sa ilang lugar sa Metro Manila at mga karatig-lugar mula Nobyembre 18 hanggang 24, 2020.

Ilan sa mga ito ay ang Caloocan City,Malabon City,Makati City,Manila,Muntinlupa City,Navotas City,Parañaque City,Pasay City,Quezon City,Imus, Bacoor at Kawit sa Cavite.

Ito’y dahil sa gagawin nilang paglilinis sa treatment plants matapos ang pananalasa ni Bagyong Ulysses.


Sa pahayag ng Maynilad, dumami ang volume ng putik na pumapasok sa kanilang treatment plants simula noong Huwebes.

Dahil dito, kinakailangan nilang magsagawa ng paglilinis upang bumalik sa normal ang volume ng tubig na kanilang inilalabas kung saan sakali naman bumalik ang suplay ng tubig ay maaaring malabo o may kulay ang unang labas nito.

Paliwang pa ng Maynilad, maiging padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ang tubig.

Paalala pa ng Maynilad na mag-imbak na ng tubig kung mayroong pa rin suplay habang humihingi naman sila ng pang-unawa sa mga maaapektuhan ng water service interruption.

Facebook Comments