Ilang bahagi ng NAIA expressway, isinara

Pansamantalang isasara ang ilang bahagi ng NAIA Expressway (NAIAX) simula ngayong araw hanggang Miyerkules, Mayo 1 dahil sa isasagawang maintenance work.

Batay sa abiso, sarado mula alas-10 ng gabi ng April 29 hanggang alas-4 ng madaling araw ng April 30, ang NAIAX patungong Buendia, Amorsolo, Don Bosco at EDSA.

Isasara naman mula alas-10 ng gabi ng Abril 30 hanggang alas-4 ng madaling ng Mayo 1 ang bahagi ng NAIAX na patungong Bicutan, Sucat, Alabang at South Luzon Expressway (SLEX).


Maaari namang dumaan sa sales road ang mga motorista bilang alternatibong ruta.

Facebook Comments