Naresolba na ang P276 million cash allowance na kabilang sa P67.3 billion COVID-19 response funds deficiencies na sinita ng Commission on Audit (COA) sa Department of Health (DOH).
Sa inilabas na pahayag ng DOH kahapon, sinabi nito na na-download na ang P2.4 billion patungong Centers for Health Development, DOH Hospitals, at iba pang specialty hospitals na nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).
Kinabibilangan ang Bayanihan 2 ng tulong sa mga healthcare workers tulad ng pagkain, akomodasyon at transportation benefits.
Patuloy naman ang pagtiyak ng DOH sa publiko na mananatiling nakaagapay ang kagawaran sa mga healthcare worker na maituturing na frontliner laban sa COVID-19.
Facebook Comments