Ilang bahagi ng Roxas boulevard, sarado sa Linggo

Manila, Philippines – Base sa abiso ang MMDA, pansamantalang isasara muna sa mga motorista ang Southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo St. at innermost lane ng Northbound ng Roxas Blvd. mula pa rin sa P. Ocampo St. hanggang Katigbak drive.

Ito ay upang bigyang daan ang isang fun run event na magsisimula alas 3 ng madaling araw sa Linggo (September 3) at inaaasahang tatagal hanggang alas 8 ng umaga.

Sa mga motoristang manggagaling sa Jones, McArthur at Quezon bridge, na dadaan sa Southbound ng Roxas Blvd., pinapayuhang dumaan na lamang sa Taft Avenue.


Sa mga motorista namang manggagaling sa Westbound lane ng UN Ave. o TM Kalaw St. ay makabubuting kumaliwa sa MH Del Pilar St. papunta sa destinasyon.

At para naman sa mga motorista na mangagaling sa Westbound lane ng P. Burgos St. ay makabubuting kumanan sa Bonifacio Drive o mag-U-turn sa Eastbound lane ng P. Burgos patungo sa destinasyon.

Facebook Comments