Ilang bahagi ng Seaside Drive sa Parañaque City, pansamantalang isasara para sa pagtatayo ng pedestrian footbridge ng LRT Line 1 extension ngayong araw

Pansamantalang isasara sa daloy ng trapiko ang bahagi ng Seaside Drive sa Parañaque City sa mga piling araw at oras.

Ito’y para bigyan ang pagtatayo ng pedestrian footbridge para sa itinatayong Light Rail Transit o LRT-1 Cavite Extension Project.

Kabilang sa mga isasara ay ang bahagi ng Seaside Drive patungong Diosdado Macapagal Boulevard mula 10:00 PM ng Mayo 18 hanggang 5:00 AM ng Mayo 19.


Gayundin sa bahagi naman patungong Roxas Boulevard mula 10:00 PM ng Mayo 22 hanggang 5:00 AM ng Mayo 23.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation o LRMC na siyang nangangasiwa sa LRT line 1 sa abalang idudulot nito sa mga pasahero.

Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nabanggit na lugar at maghanap ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala sa kanilang pagbiyahe.

Facebook Comments