
Makakaranas ng pansamantalang pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Urdaneta City sa darating na Linggo, Enero 18, 2026, bilang bahagi ng naka-iskedyul na maintenance at upgrading works sa linya ng kuryente.
Ayon sa abiso, ang power interruption ay tatagal mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon upang isagawa ang pagpapatuloy ng upgrading at rehabilitasyon ng Bacag–Tombod line section.
Sa Urdaneta City, kabilang sa maaapektuhang lugar ang Sitio Awed sa Barangay Palina East. Makakaranas din ng pagkawala ng kuryente ang Barangay Bacag West at Barangay Tombod sa bayan ng Villasis.
Humingi naman ng paumanhin ang Pangasinan Electric Cooperative III sa abalang maaaring idulot ng nasabing power interruption at pinaalalahanan ang publiko na posibleng matapos nang mas maaga ang mga gawain, kaya’t inaabisuhan ang lahat na ituring na may kuryente ang mga linya at kagamitan sa lahat ng oras. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










