Nakaranas ng malalim na pagbaha ang ilang bahagi sa Dagupan City, kahapon dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River.
Dulot rin ito ng dumadaloy na tubig baha mula sa mga karatig na mataas na lugar bago lumabas sa Lingayen Gulf dahilan na naging catch basin ang lungsod.
Ang ibang motorista, kanya-kanyang tulak ng kanilang mga motorsiklo na hindi na kinaya ang lalim ng tubig baha habang ang ilang tricycle, pilit nilusong ang mga daanan.
May mga komyuter na naglakas loob na lumusong sa tubig kahit pa walang suot na mga bota habang ang iba, pinili na lang manatili sa mataas na pwesto habang naghihintay ng pampasaherong sasakyan.
Samantala, ilang bahagi sa lungsod ang patuloy na tinututukan ng lokal na gobyerno para sa flood mitigation projects upang tuluyan na maresolba ang problema sa baha ng lungsod. | ifmnewsdagupan









