Ilang bahay at paaralan sa Antique, nasira dahil sa flash flood

Antique – Nananatili pa ring lubog sa baha ang ilang bayan sa Antique.

Ito ay matapos na rumagasa ang tubig dahil sa matinding pag-ulan simula noong Biyernes ng gabi.

Ilang bahay malapit sa pampang ng isang ilog sa bayan ng Libertad ang natumba at tinangay ng malakas na agos ng tubig, habang nasira naman ang ilang pader ng paaralan dahil sa tubig baha.


Bukod sa bayan ng Libertad, apektado rin ng biglaang pagbaha ang mga bayan ng Culasi, Patnongon at Sibalom sa Antique.

Samantala, wala namang naitalang sugatan o namatay sa nasabing flash flood.

Facebook Comments