Ilang residente ng Barangay Embarcadero, Sitio Riverside sa Mangaldan, Pangasinan ang ilang gabi nang nabubulabog dahil sa paulit-ulit na pamamato sa bubong ng kanilang mga bahay.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan sa barangay, hindi pa nakikilala ang suspek, ngunit may mga hinalang lumulutang hinggil sa posibleng pasimuno ng insidente.
Tumangging magbigay ng panayam ang mga biktima, ngunit sinabi nilang nagsimula ang pamamato noong Oktubre, bandang alas-6 ng gabi at nagpapatuloy pa ito hanggang sa ngayon.
Patuloy naman ang koordinasyon ng barangay sa kapulisan at ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa pamamagitan ng regular na ronda sa lugar.
Nagbigay rin ng kasiguraduhan ang barangay na kanilang tinututukan ang insidente upang matukoy at mahuli ang responsable sa pamamato.









