Ilang bangkay sa Batangas na walang kinalaman sa missing sabungeros, ipinahukay ng DOJ

Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) na hukayin ang ilang mga bangkay sa Batangas na posibleng mga napaulat na nawawala rin noon.

Ito ay sa gitna ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga missing sabungero na umano’y itinapon sa Taal Lake sa Batangas ilang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, may mga tinitingnan silang lugar na posibleng pinagtapunan ng mga bangkay pero hindi mula sa mga nawawalang sabungero.

Sinabi ng kalihim na noong 2020, may tatlong bangkay na inilibing ang mga pulis dahil walang pamilya ang kumuha.

Ayon kay Remulla, bagama’t nakatuon sila sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero ay hindi rin nila pwedeng ipagsa-walang bahala ang iba pang nadidiskubre at kung may kinalaman ito sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Facebook Comments