Ipinagmamalaki ngayon ng mga Bangsamoro lalong lalo na ng mga Iranun ang karangalang nakuha ni Honee Dyanne Aratuc Manalao Masurong itoy matapos magtapos sa Ateneo de Davao University bilang Summa Cum Laude sa kursong BS Accountancy.
Si Honee Dyanne ay panganay na anak nina Kusain Manalao Masurong at Pahmia Aratuc Manalao na kapwa mga taga Buldon Maguindanao.
Consistent Honor Student ito mula elementary hanggang high school sa NDRVM Cotabato City.
Kaugnay nito bukod sa mga magulang, umani naman ng paghanga at pagsaludo ang nakamit na karangalan ni Honee. Si Honee ay pamangkin ni Buldon Mayor Abolais Manalao .
Samantala bukod sa isang Iranun, namayagpag din ang isang Maguindanaon na si Hanna Isha Piang na nakapagtapos sa Notre Dame of Marbel University sa AB Philosophy bilang Summa Cum Laude ,
Summa Cum Laude din si MUBARAK MACABANDING PAINGCO, isang Maranao, nagtapos ng BS BIOLOGY MAJOR IN GENERAL BIOLOGY sa MSU IIT
Magna Cum Laude rin si Nur Redha I. Misuari , isang Tausug anak ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari, na nagatapos sa kursong BS-Business Administration Major in Finanace Management sa University of the Immaculate Conception.
Ilang Bangsamoro Students nagtapos ng may pinakamataas na karangalan
Facebook Comments