ILANG BANGUS GROWERS SA PANGASINAN, NAG-FORCE HARVEST DAHIL SA BANTA NG FISH KILL

Dobleng suplay ng bangus ang binabagsak ngayon sa Magsaysay market sa Dagupan City kung saan karamihan rito ay mula sa western pangasinan matapos na magsagawa ang ilan sa mga bangus growers ng forced harvest dahil sa banta ng fishkill.
Ang mga fishpen kasi naaapektuhan na ng lowtide kaya naman mas pinili na lamang ng mga bangus fish growers na i-harvest na ang mga isda.
Bagamat maliliit pa ang mga isdang na-harvest ay mas mainam na itong naging paraan nila kesa mamatay ang mga ito at hindi mapakinabangan.

Naapektuhan kasi ng lowtide ang dissolve oxygen sa mga palaisdaan lalo kung malalaki na ang mga isda.
Dahil sa taas ng suplay ngayon ng produktong bangus ay bumagsak naman ang presyo nito kung saan bumaba ito ng ten pesos hanggang fifteen pesos.
Sa ngayon, ay nasa one hundred pesos hanggang one hundred thirty pesos ang kada kilo ng isdang bangus sa fish market kumpara noon na nasa one hundred thirty hanggang one hundred sixty pesos.
Tiniyak naman ng Market Division na ang lahat ng mga binebentang bangus sa pamilihan ay ligtas na kainin at maaaring i-avail ng mga mamimili habang mababa pa ang presyo. |ifmnews
Facebook Comments