Ilang bansa, nakabuo ng ‘perpektong’ bakuna laban sa COVID-19

Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang magandang balita.

Sa kanyang public address, sinabi niya na may ilang bansa ang nakagawa ng perpektong bakuna para sa COVID-19.

Pero aminado ang Pangulo na ilan sa mga bakuna ay madaliang ginawa kumpara sa ilang bakuna na inaabot ng ilang taon bago mabuo.

Muli ring tinalakay ng Pangulo ang antibodies na makukuha sa kabayo na maaaring gamitin panlaban sa sakit.

Ikinatuwa rin ni Pangulong Duterte ang pag-unlad ng vaccine research and development.

Batay sa kanyang weekly report sa Kongreso, aabot na sa 288 pasyente ang naka-enroll sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa layuning makahanap ng lunas laban sa COVID-19.

Facebook Comments