Ilang bansa, nakikitaan ng WHO ng matinding transmission ng COVID-19

Nababahala ang World Health Organization (WHO) sa matinding transmission ng COVID-19 na naitatala sa ilang bansa.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, two-thirds ng lahat ng kaso ay nagmumula sa sampung bansa.

Halos kalahati ng mga kasong naitala ay mula lamang sa tatlong bansa.


Hindi rin dapat magpakampante ang mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Sa huling tala, aabot na sa 15.5 million ang COVID-19 cases sa mundo, higit 600,000 ang namatay at nasa 9.4 million ang gumaling.

Ang Estados Unidos ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa daigdig na mayroong 4.1 million cases.

Facebook Comments