Bumaba na sa ‘very low risk’ status sa COVID-19 ang ilang bansa sa Southeast Asia.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa ‘very low risk’ na ang Pilipinas, China, Taiwan, at Timor Leste hanggang nitong March 9.
Aniya, mayroong 0.68 na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa kada 100,000 populasyon ang Pilipinas, 0.02 sa China, 0.25 sa Taiwan, at 0.44 sa Timor Leste.
Nasa ‘low risk’ ang Cambodia na may 1.89 na ADAR habang nasa ‘moderate risk’ status naman ang Indonesia, Myanmar, at Laos.
Sinabi naman ni David na ang Brunei, South Korea, Hong Kong, Singapore, Vietnam, Malaysia ay nasa severe outbreak.
Sa ngayon, ang South Korea ay may 514.23 ADAR; Vietnam 195.57; Japan 46.09; Hong Kong 483.95; Malaysia 92.89; Thailand 31.32; Singrapore 284.14 at Brunei na may 916.40.