Ilang bansang miyembro ng OPEC+, magbabawas ng kanilang produksyon sa langis

Inanunsyo ng bansang Saudi Arabia at iba pang miyembro ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC+ na magbabawas ito ng produksyon sa kanilang langis.

Sa Saudi, magbabawas sila ng 500,000 barrels per day simula Mayo hanggang matapos ang taong 2023 habang palalawigin naman ng Russia ang pagbawas sa produksyon ng langis hanggang matapos din ang taon.

Habang nagbawas na rin ng produksyon ang mga bansang United Arab Emirates, Kuwait, Iraq, Oman at Algeria.


Paliwanag ng Saudi energy ministry, layon nitong suportahan ang matatag na presyuhan sa oil market.

Facebook Comments