Ilang barangay at police community precinct sa lungsod ng Maynila, nagtayo na rin ng community pantry

Nagkasa ng sarili nilang community pantry ang Brgy. 345 Zone-35 sa Sta. Cruz, Maynila.

Kabilang sa mga ipinamimigay ng nasabing barangay ay iba’t ibang uri ng gulay, itlog at iba’t ibang klase ng delata.

Mismong ang mga tauhan at opisyal ng barangay ang nagkasa ng community pantry para matulungan ang iba nilang residente.


Ayon kay Brgy. 345 Chairman Irene Benito, agad nilang sinimulan ang community pantry matapos na makakuha ng sangkaterbang donasyon bukod pa sa kanilang mga naipon.

Aniya, sakaling may matira ay ipapamahagi rin nila ito sa mga hindi residente ng barangay na nangangailangan.

Bukod sa nabanggit na barangay, nagkasa na rin ang iba’t ibang Police Community Precint (PCP) ng Manila Police District (MPD) ng kaniya-kaniyang community pantry at feeding program para makatulong sa iba nating mga kababayan na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments