ILANG BARANGAY OFFICIALS SA BANI, ARESTADO MATAPOS MAHULI SA AKTONG NAGLALARO NG PUSOY

35

BANI, PANGASINAN – Arestado ang ilang barangay officials kabilang ang isang Brgy. Captain nito matapos silang mahuli sa aktong nagsusugal ng pusoy sa bayan ng Bani.

Kinilala ng PNP Bani ang mga suspek na nakilalang sina Brgy. Captain Edmund Francisco, Brgy. Kagawad Laudencio Fernandez at isang Ariel Nava ng barangay Luac sa nasabing bayan.


Ikinasa ang anti-illegal gambling operation pasado alas dose ng hating gabi kung saan ay nahuli sa akto ang mga suspek na nagsusugal.

Nakuha mula sa lugar ang isang set ng playing cards at taya ng mga ito kung saan inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments