Nalubog sa baha ang ilang kakalsadahan sa Mangatarem dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Crising na nagpaulan sa kalakhang Luzon.
Base sa pinakahuling talaan ng Mangatarem MDRRMO noong June 19, not passable sa lahat ng sasakyan ang Brgy. Suaco, Brgy, Bogtong Bolo papunta sa mga barangay ng Suaco at Sapang, maging ang Brgy. Lawak Langka patungong Sitio Bailasiw.
Nananatiling passable naman ang ilang binahang barangay tulad ng Brgy. SanClemente, Brgy. Cabaruanat Brgy. Talogtog sa Purok 4.
Sa parehong ulat ng tanggapan, umabot sa 6.75 MASL ang lebel ng Camiling River, ilang metro na lamang mula sa critical level na 7-8 MASL.
Binabantayan ng MDRRMO ang sitwasyon ng tubig baha at inabisuhan ang mga residente na huwag maligo sa mga kailugan at baha dahil sa posibleng banta sa kanilang kalusugan at kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









