ILANG BARANGAY SA BAYAN NG BANI, INIREREKLAMO ANG SANGKATUTAK UMANO NA LANGAW SA KANILANG LUGAR

Inirereklamo ngayon ng mga residente ng bayan ng Bani ang hirap umano ng kanilang nararanasan ngayon dahil sa peligroso at mapanganib na langaw sa kanilang lugar.
Ilan lamang sa mga nagrereklamong lugar o Barangay ay mula sa mga Brgy. ng Tiep, Calabeng, Sampaloc, Macabit at iba pa dahil sa sandamakmak anilang mga langaw na sa halos lahat ng parte ng kanilang bahay ay mayroong kumpol-kumpol na langaw.
Ilan sa mga reklamo ng mga residente sa bayan, kinakati na ang mga bata at nagkakasugat na sa kakakamot. Ang ilan umano sa kanila ay nagkakasakit na dahil sa perwisyong dala ng mga langaw sa kanilang lugar.
Tinutukoy din ng mga residente ang mga nakapalibot na Animal Farm sa kanilang lugar
Ayon sa mga residente, matagal na umano ang problemang ito ngunit tila umano hindi pa inaaksyunan ng lokal na pamahalaan ng Bani ang problemang ito ng mga residente.
Kaya’t panawagan ng mga residente sa kinauukulan lalong-lalo na sa LGU na sana raw ay masolusyunan na ang matagal nilang problema sa langaw dahil nakasalalay umano ang kanilang kalusugan.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang IFM Dagupan sa kinauukulan partikular na sa Sanitation Office ng bayan, Municipal Agriculture Office at sa LGU Bani ukol sa inirereklamo ng mga residente.
Facebook Comments