ILANG BARANGAY SA BAYAN NG MALASIQUI, APEKTADO SA HINDI MAAYOS NA SERBISYO NG ISANG WATER PROVIDER SA BAYAN

Ilang linggo nang iniinda ng mga residente sa bayan ng Malasiqui ang diumanong hindi maayos na serbisyo ng isang water provider company sa naturang bayan.
Ang kumpanyang Inpart Waterworks & Development Corporation o IWADCO ang naturang nagsusuplay ng tubig sa mga malapit sa bayan na barangay gaya na lamang ng Poblacion, Cabatling, Taloy, Pasima, San Isidro, Tambac, Gomez, at Alacan kung saan nakakaranas ang mga ito ng ilang linggo ng walang maayos na tulo ng tubig.
Reklamo ng ilan, malaki na umano ang mga binabayaran nila ngunit hindi umano napapakinabangan an gang tubig na kanilang binabayaran.
Talamak sa social media ang panawagan ng mga residente ng konsyumer ng naturang water provider na ito kung saan base sa pinakahuling nakalap ng impormasyon ng IFM Dagupan ay patuloy umanong inaayos ng IWADCO ang isyung ito.
Bukod dito, nakakuha ang impormasyon ang IFM Dagupan sa isang konsehal na hindi na umano mag-rerenew ang water provider na ito kung saan hanggang buwan na lamang umano ng Agosto ang itatagal nito.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na at kinukuhanan ng IFM Dagupan ng reaksyon at statement ang pamunuan ng IWADCO ukol sa isyung ito.
Facebook Comments