ILANG BARANGAY SA BAYAN NG MANGALDAN, APEKTADO PA RIN NG PAGBAHA DAHILAN PARA ISAILALIM ITO SA STATE OF CALAMITY

Isinailalim ang bayan ng Mangaldan sa State of Calamity simula noong Agosto 3, alinsunod sa mga natamong pinsalang dala ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagbaha ng nagdaang Super Typhoon Egay at ang habagat na pinatindi pa ng Bagyong Falcon.
Sa pamamagitan ng nasabing resolusyon, pinagtibay ang pagdedeklara ng State of Calamity base sa tumataas na bilang ng mga apektadong pamilya bunsod ng pagbaha sa 21 na mga Barangay sa Mangaldan lalo na sa mga low-lying areas at mga pinsalang tinamo sa sektor ng agrikultura na umabot sa higit PHP 8 million as of August 2 ayon sa Municipal Agriculture Office.
Bibigyang daan ng nasabing deklarasyon ang kapasidad na magamit ang bahagi ng Local Calamity Fund ng bayan upang makapagpaabot pa ng mas malawak na tulong sa mga apektadong komunidad at sektor.

Samantala, sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Mangaldan Councilor Aldrin Soriano, ibinahagi nito ang ilan pang detalye ng Session bago isailalim sa State of Calamity ang bayan.
Ibinahagi din nito ang rekomendasyon nito para sa long-term solution kung saan sinabi nito na karamihan din sa mga nakitang problema sa mga mababa pa ring lugar sa bayan ay ang kawalan ng drainage canal na daluyan ng tubig mula sa mga looban palabas sa main canal.
Bilang Chairperson ng Committee on Appropriation and Ways and Means sa Sanggunian, sinabi ni Councilor Soriano na hihikayatin ang mga kapitan sa pamamagitan ng kanilang Appropriations na maglaan ng pondo para sa pagpapagawa ng mga kanal. Sa ibang Barangay kasi aniya ay nakapaglaan sila ng pondo para makapagpagawa ng mga kanal sa kanilang Barangay. |ifmnews
Facebook Comments