Ilang barangay sa bayan ng Midsayap nakabenepisyo sa year end rice distribution ng Provincial Government of Cotabato!

Matapos ang ibang bayan sa North Cotabato, ang bayan naman ng Midsayap ang nakinabang sa libreng bigas mula Provincial Government of Cotabato sa ilalim ng Year-end Rice Distribution program.
Abot sa 25 na mga barangays sa midsayap ang tinungo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) kung saan nakatanggap ang identified beneficiary families.
Ang Pondo ng Provincial Government of Cotabato ang ginamit sa naturang distribution alinsunod sa programa ng Serbisyong Totoo at sa koordinasyon ng mga Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDOs).
Sinabi ni Gov Emmylou “Lala” Taliṅo-Mendoza na ginagawa ng provincial government ang lahat ng makakaya nito upang maipaabot sa mamamayan ang mga programa at proyektong naglalayong maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.(with report from Romi Varon)

Facebook Comments