ILANG BARANGAY SA CAUAYAN, MAAAPEKTUHAN NG SCHEDULED POWER INTERRUPTION

Cauayan City – Nagbigay abiso ang Isabela Electric Cooperative 1 kaugnay sa scheduled power interruption na magaganap sa araw ng miyerkules, ika-28 ng Agosto.

Ayon sa ISELCO 1, ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente ay dulot ng isasagawang rehabilitasyon ng mga poste at kable ng kuryente.

Magsisimula ang pagkawala ng kuryente 8:30 ng umaga hanggang alas singko ng hapon kung saan kabilang sa mga barangay na apektado ay ang Brgy. Alicaocao, Andarayan, Bugallon, Carabatan Bacareño, Carabatan Chica, Carabatan Grande, Carabatan Punta, ilang bahagi ng Cabaruan, Brgy. Mabantad, Nagcampegan, San Luis, San Pablo, Union, Villa Luna, at Cassap Fuera.


Samantala posible namang bumalik ang suplay ng kuryente sa mas maagang oras o kapag natapos na ang isasagawang maintenance.

Facebook Comments