Ilang barangay sa lungsod ng Maynila, nakararanas ng water service interruption dahil sa isinasagawang emergency leak repair sa water pipeline ng Maynilad

Humingi na nang pangunawa ang Maynilad sa lahat ng mga apektadong residente dahil sa nararanasang water service interruption kasunod ng isinasagawang emergency leak repair sa water pipeline ng Maynilad.

Ayon sa Maynilad, mayroong tinamaan sa kanilang tubo dahil sa konstruksyon sa New Pritil Market sa bahagi ng Nicolas Zamora Street sa Tondo Maynila.

Nasa 15 baranggay naman ang nasabing apektado kabilang na ang Brgy. 76 hanggang Brgy. 78, Brgy. 81 hanggang Brgy. 84, at Brgy. 86-93.

Samantala, wala pa namang impormasyon kung kailan matatapos ang pagkaantala ng serbisyo ng tunig sa naturang lugar.

Facebook Comments