ILANG BARANGAY SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, TUMANGGAP NG PATROL VEHICLES

Tinanggap ng ilang barangay sa San Fernando City, La Union ang labing limang patrol vehicles mula sa Pamahalaang Panglungsod upang mas mapaigting ang pagbabantay sa komunidad.

Iginiit ni City Mayor Hermenegildo Gualberto na mula sa nakolektang buwis sa lungsod ang naturang proyekto upang matutukan ng mga barangay council ang kanilang mga nasasakupan.

Sa naganap na turn over ceremony, hiniling ng alkalde ang wastong pangangalaga sa mga patrol vehicles upang tuloy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo publiko. Tiniyak ng opisyal na patuloy na sisikapin ng kanyang administrasyon ang nararapat na serbisyo para sa mga taxpayers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments